• February 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy na pinag-uusapan ng netizens ang matitinding eksena… BIANCA, labis na hinangaan ni RURU sa mahusay na pagganap bilang Sang’gre Terra

PATULOY na pinag-uusapan ng netizens at fans ang masakit na sakripisyo ni Sang’gre Terra (Bianca Umali) sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre para protektahan ang mga mundo laban sa masasamang kamay ni Bathalang Gargan (Tom Rodriguez).
Agad namang pinusuan ng fans ang naturang eksena, marami ang nagdadalamhati para sa yumaong Sang’gre. May ilan ding humanga sa tapang ni Terra at sa matinding tagpo ng dalawang karakter.
Isa sa mga labis na humanga ay ang kapwa Sang’gre star at real-life partner ni Bianca na si Ruru Madrid.
Sa kanyang latest post, hindi napigilang magbigay ng papuri ang Kapuso actor sa husay ni Bianca sa superserye.
“Sobrang proud ako sayo, Mahal. Alam ko kung ano ang hirap ng ginagawa mo sa araw-araw lalo na para sa eksena na ito.
Deserve mo lahat ng papuri at pagmamahal para sa iyong dedikasyon at pagmamahal sa iyong ginagawa.”
Dagdag pa niya, hanga siya sa dedikasyon ni Bianca bilang isang aktres.
“Alam ko din na ginagawa mo ito para makapag bigay ng saya at magandang eksena para sa mga manonood. CONGRATULATIONS MY LOVE!”
Kaagad ding pinusuan ng fans ang post ng aktor, marami ang pumupuri kay Bianca sa kanyang pagganap.
Avisala Eshma Terra…
***
NAG-SHARE sa kanyang Instagram ang actress-comedienne na si Candy Pangilinan tungkol sa pagpanaw ng kanyang inang si Dori Espiritu, noong Tuesday evening, February 10.
“With God’s unconditonal love Mother /Sis Dori has peacefully met her creator today, February 10, 2026. We ask for your prayers for the repose of her soul and for all her loved ones. Our dear family and friends; please come and join us, as we celebrate her life of love and service,” caption niya.
Mula sa mga close friends and colleagues ni Candy sa entertainment industry ang nagpaabot ng kanilang prayers and sympathies tulad nila Amy Perez-Castillo, Claudine Barretto, Rhea Santos, Gladys Reyes, Vina Morales, and Giselle Sanchez.
Naging malaking subok kay Candy at sa kanyang family ang ilang beses na labas-masok sa ospital ang kanilang ina dahil sa declining health nito.
Panay ang post din ni Candy ng ilang videos on social media kasama ang anak na si Quentin, na binibisita ang kanyang lola sa ospital.

***

PUMANAW na ang ‘90s teen icon na si James Van Der Beek sa edad na 48.
Sumikat si James as Dawson Leery sa hit series na Dawson’s Creek na umere mula 1998 hanggang 2003.
Ayon sa report ng TMZ: “A rep for the Travis County Medical Examiner’s Office in Texas says … it was reported to them at 6:44 AM. No cause of death was given.”
Nag-post sa social media ang misis ni James na so Kimberley Van Der Beek tungkol sa pagpanaw nito: “James met his final days with courage, faith, and grace.”
She asked for privacy for their family at this time.
Nakipaglaban sa sakit na stage 3 colorectal cancer ang aktor na na-diagnose in 2024. Anim ang naiwan niyang kay Kimberley na sina Olivia, Annabel, Emilia, Gwendolyn, Joshua and Jeremiah.
Hindi nakarating sa ‘Dawson’s Creek’ reunion si James noong September 2025 sa New York dahil sa kanyang sakit. Lumabas naman siya sa two-hour special ng ‘The Real Full Monty’ noong December 2024 to raise awareness for prostate, testicular, and colorectal cancer testing and research.
Bukod sa Dawson’s Creek, lumabas si James sa mga TV shows na Don’t Trust the B—- in Apartment 23, CSI: Cyber, Friends With Better Lives, How I Met Your Mother, Modern Family, Dancing With The Stars, Ugly Betty, Pose, at One Tree Hill.
Ginawa niya ang mgq pelikulang Varsity Blues, Scary Movie, The Rules of Attraction, The Plague, Stolen, Jay and Silent Bob Reboot, Backwards. Downsizing, Texas Rangers, The Storm at Bad Hair.