• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:43 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Patuloy na pagbibigay suporta sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC), siniguro ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez

SINIGURO ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga stakeholders at pasyente ang patuloy na pagbibigay suporta sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa mga susunod pang panahon.

Ang pahayag ay ginawa ng lider ng Kamara sa ginanap na capsule-laying at groundbreaking rites ng PCMC’s 20-story Advanced Pediatric Services building sa may kanto ng Quezon at Sen. Miriam Defensor Avenues sa Quezon City, na bahagi ng Specialty Hospitals Legacy ng Pangulong Marcos.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang centers ay makakatulong sa libong bata na dumaranas ng mga kumplikadong sakit.

“Malaking tulong ang pasilidad na ito dahil ating binibigyang-halaga ang buhay at kalusugan ng kabataan, para sa kinabukasan ng bayan. Hindi basta-basta ang proyektong ating sisimulan ngayon. Layunin nating magtayo ng multi-specialty center para gamutin ang pinaka-malalang sakit tulad ng pediatric cancer, brain and spine diseases, at iba pang sakit na kailangan ng masusing pag-aalaga,” ani speaker.

Ang 20-storey building ay magkakaroon ng 500-bed capacity at state-of-the-art medical technology.

Magsisilbi ang itatayong bagong pasilidad ay magsisilbing Modern Cancer Center at maglalaan ng mga subspecialty services na kabibilangan ng infectious diseases, nephrology (kidney-related care), cardiology (heart-related care), pulmonology (respiratory system care), endocrinology (treatment for hormonal disorders), neurology (neuro-developmental pediatrics) at surgical services, at intensive care units for critically ill children, rehabilitation services.

Pinasalamatan naman ni Speaker Romualdez ang mga PCMC doctors, nurses at iba pang staff sa kanilang serbisyo at sakripisyo, Binati rin nito ang ospital sa kanilang 45th anniversary nitong Martes. (Vina de Guzman)