PASAHERONG DUMAGSA SA PANTALAN, UMABOT SA 3.4 MILYON
- Published on April 7, 2026
- by @peoplesbalita
UMABOT sa 3.4 milyon ang bilang ng ma pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa kabuuan ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Na-monitor ng PCG ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero mula Marso 28 hanggang Abril 5 noong Miyerkules Santo at Linggo ng Pagkabuhay lalo na sa
Cebu, Iloilo, Aklan, Batangas, at Oriental Mindoro.
Samantala, mula 53 noong 2025, bumaba naman sa 37 ang insidente ng pagkalunod na na-monitor at ni-respondehan ngayong taon. Karaniwan sa mga biktima ay mga nakainom ng alak at mga kabataan.
Sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, malaking tulong ang kooperasyon ng LGU, beach resort owner, iba pang ahensya ng gobyerno, at media sa pagsisigurong mapaalalahanan ang mga turista na manatiling alerto at makiisa sa pagtataguyod ng kanilang kaligtasan sa kasagsagan ng Mahal na Araw.
(Gene Adsuara)