Parehong masaya at nandyan sila para sa isa’t isa: MARKUS, naging open na sa estado ng relasyon nila ni JANELLA
- Published on August 10, 2022
- by @peoplesbalita
NAGING open na si Markus Paterson sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Janella Salvador.
Nagkaroon ng pagdududa ang marami na hiwalay na ang dalawa dahil no-show si Janella sa naging birthday celebration ni Markus noong June.
Sey ni Markus na ang importante ay pareho silang masaya ni Janella at nandyan sila para sa isa’t isa.
“Ang importante lang sa aming dalawa na she’s happy, I am happy, our hearts are both happy. That’s important you know. We will always be there for each other no matter what.”
Sa sagot na ito ni Markus, nabitin pa rin ang mga nag-aabang na tunay na kasagutan sa relasyon nila ni Janella. Nais pa rin daw niyang gawing pribado ang nangyayari sa kanila ni Janella.
Anyway, handa na raw ang aktor sa mga bagong gagawin niya pagkatapos siyang natengga ng matagal.
“And life is good. So I am excited for this month. I am excited to start working again… This year so far has been a roller coaster ride but who doesn’t love roller coaster? Masaya naman ‘yon.”
***
NASA bansang Guam na ang The Clash Season 1 finalist at Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden Jr. para sa isang buwang training at rehearsals para sa musical na Miss Saigon.
Umalis ng Pilipinas si Garrett noong August 5. Sa kanyang Instagram, nai-share ni Garrett ang kanyang pagbiyahe patungong Guam at ang pasilip niya sa script at ID niya para sa Miss Saigon.
“Excited for this journey. Guam here I come,” caption pa niya.
Noong July ay binalita ng singer-songwriter na nakasama siya sa cast ng Miss Saigon in Guam at gagampanan niya ang role bilang ang American GI na si John Thomas.
Sa Zoom mediacon for Garret, sinabi nito na isang buwan ang training at rehearsals niya kasama ang buong cast ng Miss Saigon. Na-meet na rin daw niya ang ibang cast members sa naging Zoom meeting nila bago siya umalis ng Pilipinas. Hindi lang daw niya alam kung sino ang gaganap sa characters na Kim, Gigi, Chris, Ellen, Mimi, Thuy at Engineer.
Sa September mag-stage ang Miss Saigon sa Guam for one week dahil special franchise ito kasama ang Guam Philharmonic. After ng stint niya roon ay babalik agad sa Pilipinas si Garrett, pero hoping siya na magbubukas ng mas malalaking opportunities sa kanya abroad ang pagkakasama niya sa naturang musical.
***
PUMANAW na ang singer-actress na si Olivia Newton-John sa edad na 73 pagkatapos ng 30-year battle with cancer.
Sumikat si Olivia sa buong mundo nang gampanan niya ang role na Sandy sa hit musical film na Grease noong 1978. Naka-partner niya sa musical ay si John Travolta na nakatambal niya ulit in 1983 sa comedy-fantasy film na Two of a Kind.
Olivia passed away peacefully sa kanyang ranch in Southern California kunsaan kasama niya ang husband na si John Easterling.
More than five decades ang tinakbo ng career ni Olivia na pinanganak noong September 26, 1948 sa Cambridge, England. At age six ay nag-migrate ang buong pamilya niya sa Melbourne, Australia.
In 1992, na-diagnose si Olivia with breast cancer at tatlong dekada niya itong nilabanan at nagtayo pa siya ng health facility para sa early detection of cancer sa Melbourne.
Nanalo ng apat na Grammy Awards sj Olivia at nakabenta siya ng higit sa 100 million records worldwide. Kabilang sa mga hit singles niya ay ‘Hopelessly Devoted To You’, ‘You’re The One That I Want’, ‘Summer Nights’, ‘Xanadu’, ‘Physical’, ‘Let Me Be There’, ‘Twist of Fate’, ‘Magic’, ‘Suddenly’, ‘Living In Desperate Times’, and ‘I Honestly Love You’.
Ilang pelikula rin ang ginawa ni Olivia after Grease, ito ay Xanadu, Twist of Fate, A Mom For Christmas, It’s My Party, A Few Best Men and The Very Excellent Mr. Dundee.
(RUEL J. MENDOZA)