• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pareho rin silang may bagong single: TONI at ALEX, patuloy na kinaaaliwan sa TikTok kasama ang pamilya

HINDI lang ang mga netizens, maging ang inyong columnist ay aliw na aliw panoorin ang TikTok ng Gonzaga sisters na sina Alex at Toni along with their beloved parents Mommy Pinty and Daddy Bonoy Gonzaga.

Kaya naman palaging milyon ang views nito. Yes, kung sayawan lang din ang pag-uusapan aba’y ang original dancer sa Gonzaga family ay itong loves naming si Mommy Pinty.
Ang saya ding panoorin kapag nakiki-join si Daddy Bonoy sa TikTok na sinasayaw rin ang mga viral dance.
Ang cute namang panoorin sina Direk Paul Soriano at elected Vice Mayor ng Lipa City na si Mikee Morada at mga anak nina Toni at Direk Paul na sina Seve at Polly.
Join din sa kanila sa Tiktok ang brother ni Mommy Pinty na si Uncle Jojo.
Hataw ang pamilya Gonzaga at Soriano sa vlogs nina Toni at Alex na gumagawa ng iba’t-ibang challenge na ang latest ay ang “Sino Magaling? Millennials Vs Boomers.” Mapapanood niyo ito sa official Youtube Channel ni Alex Gonzaga. At ang cute kapag nagre-react na si Mommy Pinty na kinaaaliwan ng husto ng kanilang milyon-milyong viewers.
Well born comedianne talaga itong si Mommy Pinty na endorsers ng Chef Ayb’s Paragis PH with Alex and Daddy Bonoy at Eyeberry. At ito namang si Alex ay endorser ng iba’t-ibang produkto na ang latest nito ay ang Snailwhite Whipp Soap.
Si Toni ay ilang years ng Ambassador ng Eureka Appliances. May iba pa itong mga endorsements. At siyempre pa ang mag-sister din ang mukha ng Happy Cup ng kanilang Mommy Pinty na parami nang parami ang branches nationwide.
Pinagpala talaga ng Itaas ang Gonzaga Family kasi marunong silang magpasalamat sa Diyos at hindi nakalilimot na tumulong sa kapwa.
***
SAMANTALA, bukod sa kanilang mga vlog kung saan parehong milyun-milyon ang subscribers sa kanila Youtube Channel, meron new single sina Alex at Toni.
Two months ago ay ni-release ng O/C Records ang revival ni Alex ng “Pasulyap-Sulyap” na unang pinasikat ni Tootsie Guevarra.
Magre-release naman si Toni ng Acoustic version ng hit song niya noong 2005 na “We Belong.” Mapapa-wow ka talaga kapag narinig mo ang bagong version na ito ng Ultimate Multimedia Star.
(PETER S. LEDESMA)