Para sa short film na ‘Lip Sync Assassin’: PRECIOUS PAULA NICOLE, ‘di makapaniwalang nagwagi sa CinePride Film Festival sa LA
- Published on September 24, 2025
- by @peoplesbalita

Nagpasalamat sa social media si Precious sa buong team ng Lip Sync Assassin, her Drag Race Philippines family, at ang kanyang pamilya sa suporta at paniniwala na binigay sa kanya.
“Let me start by saying LORD MARAMING MARAMING SALAMAT PO! Thank you to CinePride Film Festival @cinepridefilmfest for being an incredible platform that amplifies LGBTQIA+ stories through the power of film. To the jury, thank you so much! I’m beyond honored that you picked me for the best lead performance award.”
“Para kay little Pipoy who always dreamed of this, this is also for you! Salamat kasi di mo sinukuan ang pangarap mo. Alam kong hindi lang ako ang ganito, kaya sa lahat ng nangangarap, please hold on to it, and don’t give up on your dreams!!!”
Napanalunan din ng ‘Lip Syc Assasin’ ang Best Director for Jon Galvez. Kabilang din sa cast ay sina Peewee O’Hara, Erin Espiritu, Argel Saycon, and drag queen Mrs. Tan.
‘Lip Sync Assassin’ is story of survival, sacrifice, and identity, all set within the colourful world of Filipino drag culture.
Precious plays Sampaguita, isang drag queen na sikretong nagtatrabaho bilang contract killer. Biglang naiba ang takbo ng mundo niya nang makabangga niya si Rudy, played by Argel Saycon.
Nag-premiere ang ‘Lip Sync Assassin’ noong September 11 to 14 sa Los Angeles. It is the only Filipino entry sa lineup of global LGBTQIA+ films.
Napili rin ito para sa 29 Queer Palms and Gay Queer Film Festival.
Isa rin ito sa short film entries (under the Open Call category) ng Sinag Maynila 2025 festival na magsisimula on Sept. 24 to 30.
(RUEL J. MENDOZA)