Para sa mas convenient na paggamit ng Luzon Expressways PBBM, inilunsad ang ONE RFID, ALL TOLLWAYS SYSTEM
- Published on October 22, 2025
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng One RFID, All Tollways system para sa lahat ng Luzon expressways para sa mas convenient na pagbabayad sa toll ng mga motorista.Sa nasabing paglulunsad na isinagawa sa South Luzon Expressway sa Calamba City, Laguna, sinabi ni Pangulong Marcos na ang RFID system ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na gawing modernisado ang toll collection para sa mas madaling pagdaan sa anumang toll road sa Luzon.Sinabi ng Pangulo na ang registration para sa One RFID, All Tollways ay libre at opsyonal, binibigyan ang mga tollway users ng choice kung ia- adopt ang baong sistema o mananatli sa kasalukuyang two-card system.“Hangad natin ang dire-diretsong biyahe mula hilaga hanggang timog dito sa Luzon. Reduce unnecessary stress. Reduce unnecessary delays,” ang sinabi ng Pangulo.“Ang repormang ito sa RFID system ay bahagi ng mas malawak nating layunin na gawing mas moderno, konektado, at nakatuon sa pangangailangan ng bawat Pilipino ang ating imprastraktura,” aniya pa rin.Sa usapin ng One RFID, ang All Tollways system, ang mga motorista ay maaaring gumamit ng single RFID sticker kapag gumamit ng Luzon toll expressways.Ito ay ang mga Skyway, South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX), Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX), North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), at C5 Southlink.Sa ilalim ng lumang RFID tollways system, ang mga motorista ay gumagamit ng Autosweep kapag dumadaan sila sa Skyway o TPLEX at nagsi- switch sa Easytrip kapag gumagamit naman sila ng NLEX o SCTEX, dahilan ng inconvenience sa mga byahero sa panahon ng ‘account loading at payment.“Nakikinig tayo sa hinaing ng ating mga kababayan. Kaya naman pinag-aralan natin ang problema, at nakahanap tayo ng magandang solusyon. Simula ngayon, iisang RFID sticker na lang ang kailangan para sa mga toll expressways natin sa buong Luzon,” ang winika ni Pangulong Marcos.Sinabi pa ng Pangulo na ng proseso para sa voluntary registration sa One RFID, All Tollways system ay ‘hassle-free.’“Kung ninanais ninyo nang mas simple (at) pinagsamang account, puwedeng-puwede na. Ginawa nating madali, abot-kamay, at hassle-free ang buong proseso. Pwede nang magparehistro online o walk-in,” anito.Ang group/fleet account para sa One RFID, All Tollways system ay ilulunsad naman sa susunod na taon.Sinabi ni Pangulong Marcos, ang interoperability ng Electronic Toll Collection (ETC) at cash payment systems para sa toll expressways ay ginawang posible dahil sa patuloy na tiwala. commitment, at flexibility ng government partner concessionaires, operators, at ETC/RFID providers.Samantala, nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kina Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation at Manuel V. Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corporation “for being part of the solution.”