• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa kanyang post birthday celebration: JULIE ANNE, manonood ng concert ni LADY GAGA kasama ang pamilya at si RAYVER

NGAYONG May 17 ang selebrasyon ng kaarawan ni Julie Anne San Jose.
Ipagdiriwang niya ito kasama ang kanyang loved ones at siyempre ay kabilang na rito ang boyfriend na si Rayver Cruz.
Ayon sa Asia’s Limitless Star, simpleng pagdiriwang lang daw ang magaganap kasama ang kanyang pamilya at boyfriend pero pupunta raw silang Singapore para manood ng concert ni Lady Gaga after her birthday.
“I’m very excited. I’ll be going with Ray, my two sisters, and my mom. Medyo ano na rin, birthday celebration na rin, like post birthday celebration.”
Sa ngayon napapanood si Julie sa seryeng “Slay.”
***
CHARMING si Emilio Daez.
Nakilala na namin siya ng personal sa naging Star Magic Spotlight Mediacon.
Actually, kung hindi ka aware na magkapatid sila ni Mikael Daez, hindi mo maiisip. Hindi naman sila magkamukha. Magkaiba ang kaguwapuhan nila, mas boy next looking si Emilio.
One year pa lang si Emilio pero aminado ito na nakilala siya sa PBB kahit na sandali lang siya sa loob ng bahay ni Kuya.
Looks like marami ng offer o naka-line-up na projects kay Emilio sa paglabas niya. Ayaw niya lang munang i-spoil.
When asked kung ano ang madalas na ipayo ng kuya niya, “Maging mabuting tao. Yun po, yun ang madalas niyang sabihin.”
(ROSE GARCIA)