Para paghusayin ang industriya ng pag-aasin, plano ng administrasyong Marcos, inilantad
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
TUTULONG ang administrasyong Marcos para sa modernisasyon ng industriya ng pag-aasin.
Sa katunayan, isiniwalat ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang plano ng administrasyon para paghusayin ang salt production sa bansa.
Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang Department of Agriculture, na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mangunguna sa usaping ito kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno.
Ang plano ayon kay Cruz-Angeles ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Ang DA ay magi-implementa ng mga programa at inisyatiba para palakasin ang salt production at supply; pangungunahan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang iba’t ibang “research and development initiatives” sa salt production at tulungan ang marginal at artisanal salt makers; pagsasakatuparan ng Development of the Salt Industry Project (DSIP) para sa salt makers sa Regions 1, 6 at 9; palalawigin ng DA ang salt production areas at isusulong ang “development of technologies to accelerate salt production” ; at ang gagawing pakikipagtulungan ng DA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), and Department of Trade and Industry (DTI) para i-develop ng husto ang local salt industry sa ilalim ng Republic Act 8172, o Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN).”
Itinaas naman ng DTI ang presyo ng asin makaraan ang ilang taon na hindi nababago ang presyo nito.
Sa katunayan, inaprubahan nito ang pagtaas sa presyo ng iodized rock salt sa P21.75 para sa 500 grams at P23.00 para sa one kilogram.
“When it comes to iodized salt, the suggested retail price for a 100-gram pack is set at P4.50, while the price for a 250-gram pack ranges from P9.00 to P11.75 and P16.00 to P21.25 for a 500-gram pack. One kilogram of salt is priced at P29.00,” ayon sa DTI.
Sa gitna ng pagtaas, pinanindigan naman ng DTI na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng asin sa bansa. (Daris Jose)