• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para iwas baha sa Maynila: Floodgate binuksan, trash trap inilagay ng MMDA

UPANG maiwasan ang mga pagbaha sa Kalakhang Maynila, binuksan na ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang floodgate kasabay ng paglalagay ng mga trash traps sa bahagi ng Yacht Club sa Maynila.

Pinangunahan nina MMDA Chairman Don Artes at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagbubukas ng floodgate na inaasahang ­makakabawas ng pagbaha sa ilang lugar sa Maynila.

“Trash traps serve as barriers to prevent the flow of garbage thrown in waterways and stop it from reaching the pumping stations and eventually into the Manila Bay,” ani Artes.

Binigyan diin naman ni Domagoso na ang paglalagay ng trash trap sa Manila Yatch Club sa Roxas Blvd ay upang makontrol ang mga basurang papunta sa mga sewerage. Nanggagaling ang mga basura sa Dolomite beach.

Ani Domagoso, kailangang handa ang Maynila sa posibleng pagbaha na dulot ng mga pag-ulan at bagyo.

Umapela ito sa publiko na magtulungan at maging disiplina sa pagtatapon ng basura. (Gene Adsuara)