• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:28 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang pagtakbo muli ni dating Pres.Duterte sa pagkapangulo sa 2028, desperadong hakbang

TINULIGSA ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V ang panukalang pagkandidato muli bilang presidente ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 2028 na isang desperado umanong hakbang at pagsawalang-bahala sa constitutional limitations.
“This is the most desperate plan I’ve seen. It shows they’ve run out of cards to play. Aminadong olats na ang kanilang manok at wala na talagang ibang baraha sa dami ng negatibong mga isyung kinakaharap nila. Buking na buking pang hindi sila pro-Pinoy. Pro-China sila,” ani Ortega.
Ayon sa mambabatas, hindi na maaaring tumakbo p muli si Duterte sa pagka-pangulo dahil isinasaad sa 1987 Constitution ang pagbabawal para sa re-election ng isang dating presidente.
“Hindi siya puwedeng tumakbo ulit maliban na lang kung amyendahan ang Konstitusyon. This is clear in our laws,” pahayag pa ni Ortega.
Nagbabala ang mambabatas sa publiko na huwag paloloko sa ganitong uri ng pagmamaniobra sa pulitika na tinawag niyang “pambubudol” na naman ito at diversionary tactic.
“They are trying to distract us from the real issues. Ginagawang komedya at maiwan ang lahat. It’s evil to think that we can just fool the people with misinformation when our Constitution strictly prohibits the reelection of a president,” dagdag nito.
Hinikayat niya ang publiko na maging mapagbantay at huwag basta padadalasa ganitong uri ng taktika.
Marami din aniyang dapat pagtuunan ng pansin na mas mahalaga kaysa sa mga ganitong pakulo. (Vina de Guzman)