Panukalang P200 dagdag sahod sa mga manggagawa, tinabla ng Senado
- Published on June 14, 2025
- by @peoplesbalita
TINULIGSA ng mga mambabatas ang kabiguan ng Senado na maipasa ang panukalang P200 dagdag sahod.
“This is a monumental betrayal of workers,” ayon kay Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando.
Bukod sa Senado, binatikos din ng mambabatas ang Malacañang kasunod na rin sa kabiguan ng Bicameral Conference Committee na maisapinal at maipasa ang ₱200 legislated wage hike bago nagsara ang ika-19th Congress.
Ayon pa sa mambabatas, pinagkaitan ng Senado at Palasyo ang manggagawang Pinoy.
“The ₱200 wage hike could have brought immediate relief to millions of workers barely surviving on starvation wage Instead, what we got was delay, disregard, and excuses. Sa lahat ng drama at palabas ng mga nasa kapangyarihan, ang mga manggagawa na naman ang naiwan sa ere,” ani San Fernando.
Ang panukala ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso, sa Kamara nitong Hunyo habang ang Senado ay ipinasa noong Pebrero 2024 ang panukalang ₱100 wage increase.
Nabigo ang dalawang kapulungan na ma-reconcile ang kani-kanilang bersyon ng panukala bago magtapos ang 19th Congress.
Sinisi rin ni San Fernando si Senate President Francis “Chiz” Escudero, na inilihis umano ang responsibilidad sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa kabiguan naman ng Kamara na buksan ang isyu sa LEDAC.
“Senate President Escudero spent more time blaming the House than fighting for workers. He had the power to act swiftly and decisively. Instead, he chose to delay. Ang tanong: sino ba ang tunay niyang pinaglilingkuran? Mga manggagawa ba o mga negosyante at oligarko?” pagtatanong nito.
Inihayag naman ni House of Representative Spokesperson Atty. Princess Abante, na kinondena ng mga House bicameral conferees ang pagtanggi ng senado na mag-convene bilang bicameral conference committee para sa panukalang legislated wage hike.
“Let’s not sugarcoat it — the Senate killed the ₱200 wage hike bill. Last night was the final session of the 19th Congress. No bicam. No compromise. No wage hike. And the reason is simple: Ayaw ng Senado makipag-usap. Gusto nila, tanggapin na lang nang buo ang ₱100 nila. Bakit? Bakit binabarya ng Senado ang mga manggagawa?'” pahayag ni Abante.
Sinabi nito na pinaghandaan ng House bicameral conferees ang pagsasagawa ng bicam upang ma-reconcile ang magkaibang bersyon ng panukala ngunit hindi nagkaroon ng pagpupulong.
“Tumaas ang kilay ng bicam conferees namin nang tanungin kung ano ang nangyari. They were ready to sit down, defend the ₱200 proposal, and fight for labor — only to find out the Senate had no intention of meeting at all,” dagdag nito. (Vina de Guzman)