Panukalang maging legal ang marijuana bilang gamot o medical use inaasahang maipasa na
- Published on January 15, 2025
- by Peoples Balita
UMAASA ang isang mambabatas na maipapasa ng Kamara bago magtapos ang ikatlo at huling sesyon ng Kamara ang panukalang pagsasa-legal sa paggamit ng marijuana bilang gamot o for medical use.
Pahayag ito ni Camsur Rep. LRay Villafuerte sa muling pagbubukas ng sesyon nitong Lunes.
Naipasa ng Kamara bago matapos ang taong 2024 ang House Bill (HB) No. 10439.
Isinusulong sa panukala na magamit ang marijuana bilang medical use sa matinding mga sakit tulad ng cancer, epilepsy, HIV o human immunodeficiency virus at post-traumatic stress disorder (PTSD).
“If all goes well, this Congress can cap its record feats in its third and final session by at last writing a long-proposed law legalizing the use of medical cannabis as an alternative, relatively more affordable pain reliever for Filipinos hurting from excruciating ailments like cancer, epilepsy, HIV and PTSD,” ani Villafuerte.
Umaasa pa ito na ipapasa rin ng senado ang bersyon nitong Senate Bill (SB) No. 2573 bago matapos ang 19th Congress.
Ayon sa mambabatas, dapat bigyang pansin lead ang ginawang pagsasa- legal ng nasa 60 bansa sa paggamit ng medical cannabis at pagkumpirma sa medicinal journals sa medical values nito.
Kabilang sa 60 bansa na ginawang legal ang paggamit sa medical cannabis ay ang Australia, Canada, Germany, Israel at United Kingdom (UK). (Vina de Guzman)