• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang bus lane phaseout layon ang ‘free up EDSA space’-MMDA

INAASAHAN na ang planong pag-alis sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) bus lane ay para “free up space” sa mga pangunahing daanan.

 

 

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na ang pag-phaseout sa EDSA bus lane ay tinalakay sa isang pulong na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

Ang panukala ani Artes ay sa gitna ng ginawang pagpapawalak ng Department of Transportation’s (DOTr) sa kasalukuyang kapasidad ng Metro Rail Transit (MRT).

 

 

“Magdadagdag daw po ng isang bagon, so that’s another 30 percent additional. Inaayos lang yung infrastructure to accommodate ‘yung mas mahabang bagon,” ang sinabi ni Artes sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

“Kung maka-accommodate naman sa taas, sa tren ‘yung mga pasahero, we don’t see the need na magkaroon pa ng bus kasi exactly the same route nga siya. In fact, mas bentahe pa nga ang train dahil mas marami siyang stops kaysa sa bus carousel,” aniya pa rin.

 

 

Inamin naman ni Artes na ang pagkakaroon ng EDSA bus lane ay “more inconvenient,” lalo pa’t ang MRT ay maaari namang mag- accommodate ng mga bus passengers.

 

 

Idinagdag pa nito na ang plano ay magkaroon ng “seamless transfer from different train system” sa pamamagitan ng pag-uugnay sa MRT sa Light Rail Transit (LRT).

 

 

“Ang suggestion po kahapon ay kung ma-accommodate din ng MRT ‘yung mga pasahero ng bus carousel, since repetitive siya, same line,” ang sinabi pa ni Artes sabay sabing “So, kung magagawa po iyan, ma-free up po ‘yung isang lane.”

 

 

“Another suggestion is to convert the EDSA bus lane into a “special lane” that can be used by “high occupancy vehicles,” ayon kay Artes.

 

 

“Kung tatlo o apat ang sakay mo, ikaw lang ang puwedeng gumamit ng special lane na ‘yun,” dagdag na pahayag ni Artes.

 

 

Ang EDSA ay isasailalim sa rehabilitasyon upang maging maayos ang riding quality sa mga pangunahing daanan sa buong bansa.

 

 

Tiniyak naman ni Artes na matutuloy ang pagkumpuni o pagsasaayos sa EDSA sa Marso.

 

 

“So, kapag nagawa po ito, lalagyan ng magandang aspalto, mas bibilis po iyong daloy ng mga sasakyan. So, hopefully it will improve ‘yung traffic situation sa EDSA, once the rehabilitation ay makumpleto ,” aniya pa rin.

 

 

“Ang ideal lamang po diyan ay 250,000 vehicles per day. Ang problem po, I think ‘yung last count namin is nasa 470,000 na tayo, which is almost double noong carrying capacity niya that’s why talagang nagkaka-clog up, ang sinabi ni Artes.” (Daris Jose)