• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 5:36 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang Abogado Para Sa Bayan’ Act, ipasa para punan ang kakulangan ng public attorneys na nagsisilbi sa mahihirap

AYON kay Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan, dapat gawin ng Kamara ang parte nito na tulungan na maresolbahan ang acute shortage ng public attorneys na nagsisilbi sa marginalized sectors sa pamamagitan ng pagpasa sa panukalang magbibigay ng scholarship program sa mga gustong mag abogado na handang magbigay ng mandatory service sa government institutions.Layon aniya ng inihain nitong House Bill (HB) 5242 o “Abogado Para Sa Bayan Act” na maabot ang ito sa pamamagitan ng paglalaan sa kuwalipikadong law students ng full scholarship benefits kapalit ng pagbibigay ng mandatory return service ng dalawang taon sa Public Attorney’s Office (PAO) at ina pang government agencies.“Pursuing a legal education is not easy nor is it cheap. There are many deserving students who want to become lawyers but are hindered by financial constraints. Layunin ng ating Abogado Para Sa Bayan Act na tulungan silang matupad ang kanilang mga pangarap while also helping ensure that the government would have a steady pool of competent and committed lawyers at the Public Attorney’s Office (PAO) and other government institutions providing legal services to indigent clients and other underserved sectors,” ani Yamsuan.Base sa pinahuling datos, noong 2024, ay nagawang mabigyan ng serbisyo ng PAO ang 15,069,235 clients at naghawak ng 847,317 kaso, kung saan 92,052 na kinabinilangan ng persons deprived of liberty (PDLs).Ngunit, mayroon lamang tanging 2,676 public attorneys ang humahawak ng kaso o katumbas sa ratio na 5,631 clients at 317 cases per lawyer, ayon sa PAO’s 2024 Accomplishment Report.Upang matugunan ang kakulangan, inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagbuo ng 178 bagong Public Attorney positions nong 2024 habang naglabas naman ang Supreme Court ng rules sa Unified Legal Aid Service (ULAS), na siyang nagmamandato sa abogado na magbibigay ng 60 oras na pro bono legal aid kada tatlong taon sa indigent clients.“These efforts, while commendable, are still not enough. Justice is a right, not a privilege. Our measure will future-proof our legal sector and make sure that all Filipinos have access to legal aid regardless of his or her social and economic status in life,” pahayag ng mambabatas.Sa ilalim ng HB 5242’s Legal Scholarship and Return Service (LSRS) Program, magbibigay ng full scholarship benefits sa deserving students tulad ng tuition at iba pang school fees, at allowances para sa prescribed books, supplies, bar review fees at licensure fees.Para makakuha ng scholarship, ang prospective law student ay dapat isang Filipino citizen na naninirahan sa Pilipinas; graduating student o graduate ng undergraduate degree program; nakapasa sa entrance examinations at nakasunod sa iba pang requirements for admission ng iskul kung saan plano nitong mag-aral.Dapat mag-aral ang prospective scholar sa State Universities and Colleges (SUC) o kapartner na private educational institutions sa rehiyon na walang SUCs na nag-aalok ng Juris Doctor o Bachelor of Laws degrees.Lalagdaan din sila sa kasunduan at tatapusin ang pag aaral sa takdang panahon ng educational institution, at kumuha ng bar exams sa loob ng isang taon pagkatapos ng graduation mula sa law school. (Vina de Guzman)