Panibagong warrant of arrest, inilabas kay Atong Ang
- Published on January 17, 2026
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalabas ng panibagong warrant of arrest ng korte sa Batangas laban sa negosyanteng si Atong Ang at iba pa na sangkot sa missing sabungeros.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon , base sa kopya ng warrant of arrest ng Lipa City Regional Trial Court Branch 13 , na pirmado ni Presiding Judge Pamela Torres Chavez Izon, nahaharap si Ang sa 6 counts ng kidnapping with homicide.
Wala ring inirekomendang piyansa o non- bailable ang kaso na isinampa laban sa kanya para sana sa kanyang pansamantalang paglaya.
Nitong Huwebes sinabi ng DOJ na maituturing nang pugante si Atong Ang dahil hanggang ngayon ay hindi pa nasisilbi ang kanyang arrest warrant dahil hindi pa rin matunton ang kanyang kinaroroonan at hindi pa sumusuko at naaresto ng mga awtoridad.
Unang inisyuhan ng arrest warrant si Atong Ang ng RTC Branch 26 ng Sta.Cruz, Laguna kasama ang iba pang sangkot sa nawawalang mga sabungeros sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention . (Gene Adsuara)