• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangangampanya ng pulitiko bawal sa grad rites – DepEd

PINAALALAHANAN ng Department of EduĀ­cation (DepEd) ang mga public schools sa bansa na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaraos ng partisan political activities o electioneering sa pagdaraos ng end-of-school year (EOSY) rites para sa School Year 2024-2025.
Sa DepEd Memo na inisyu ni Education Secretary Sonny Angara, pinaalalahanan ang lahat ng DepEd officials, teaching at non-teaching personnel na sila ay mahigpit na pinagbabawalang makilahok sa anumang aktibidad na pampolitika, alinĀ­sunod na rin sa mga umiiral na polisiya.
Binigyang-diin din ng ahensiya na ang EOSY rites, gaya ng graduation at moving-up ceremonies, ay hindi dapat na maging maluho at sa halip ay maging simple lamang ngunit makahulugan. (Daris Jose)