• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:56 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PANGANGAILANGAN AT BENEPISYO NG BUMBERO, FIRE RESCUER AT VOLUNTEERS ISUSULONG NG ABP

PAGTUTUUNAN  ng pansin   ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ang mga  pangangailangan at benepisyo ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers, na mga unang tumutugon kung may nagaganap na sunog.

Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ng ABP Party list na malaking sakripisyo ng mga ito na makapagligtas ng buhay ng iba sa pamamagitan ng pagresponde at pagsuong sa panganib  at hindi alintana ang usok, init at posibeng pagguho ng gusali kapag may sunog subalit kung sila mismo ang naaksidente ay napapabayaan  sila ng sistemang kanilang pinaglilingkuran. .

“Dapat ng  pagtuunan ng  pansin ang ganitong sitwasyon at hindi dapat ipagwalang-bahala lalo na sa panahong sila naman ang lubos na nangangailangan ng tulong kaya marami kaming  mabigyang ng pansin ang kalagayan ng  mga fire and rescue  volunteers”  ayon kay  Goitia.

Dahil dito, nararapat lamang umano na matugunan ang kanilang mapanganib na kondisyon sa pamagitan ng sapat na hazard pay, sapat na insurance coverage para sa kanilang pagpapagamot,  maayos na life at accident insurance.

Isusulong din ng ABP  partylist ang pagpapatupad ng  Firefighters’  Protection and Welfare  Fund na  magtitiyak na  makakatanggap ng libreng pagpapagamot, benepisyo sa ospital at pinansyal na tulong ang mga bumbero, fire  rescuers at volunteers na nasugatan habang rumeresponde sa mga sunog. Kabilang din dito  ang panukalang  disability support at mental  health care para sa mga nakaranas ng trauma sa pagtupad sa kanilang tungkulin, gayundin ang maayos na pagsasanay at tuloy-tuloy na training at de-kalidad na mga kagamitan.

“Dapat na tratuhin silang mga bayani at hindi sapat na tawagin lamang silang bayani. Hindi sila nagdadalawang- isip  na isugal ang kanilang buhay para sa mga taong hindi nila kilala.Ang pinakamaliit na magagawa natin ay kung sila ay nasasaktan, may sistema na aalalay sa kanila at ipakita  na ang kanilang pagsasakripisyo ay may halaga” ayon pa kay Goitia. (Gene Adsuara)