• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:06 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangandaman, kumpiyansang mabilis na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025

KUMPIYANSA si Budget Secretary Amenah Pangandaman na agad na maipapasa ang panukalang P6.352-trillion national budget para sa taong 2025.

 

 

“Thus, we are confident about the immediate passage of the proposed national budget for next year so that we can continue implementing programs and initiatives for the welfare of our people,” ayon sa Kalihim.

 

 

Nauna rito, pinasalamatan ni Pangandaman sina Senate President Francis Escudero at House Speaker Martin Romualdez dahil pinansin ng mga ito ang kahilingan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipasa sa tamang oras ang panukalang 2025 budget.

 

Kamakailan lang ay inaprubahan ng Mabang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) 10800 o 2025 General Appropriations Bill (GAB), isang araw matapos na seripikahan ni Pangulong Marcos na urgent ang naturang batas.

 

Kasunod ng pagpapasa sa Kongreso, ang 2025 GAB ay dadalhin sa Senado para mas basahin at himayin pa.

 

Pinasalamatan naman ni Pangandaman ang mga kongresista para sa pagpapasa sa panukalang 2025 national budget.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senate Finance Committee chairperson Grace Poe na ang committee hearings sa 2025 GAB ay

 

 

ira-wrapped up sa Oktubre 18, bago pa ang All Saints’ Day at All Souls’ Day break.

 

Winika pa ni Poe na matapos ang committee hearings at transmittal ng GAB sa Senado, sisimulan naman ng panel ang paghahanda para sa committee report para sa plenary deliberations sa Nobyembre 4.

 

Matatandaang, araw ng Martes nang sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Marcos ang pagsasabatas ng GAB “to ensure the uninterrupted operation of critical government functions, guarantee the allocation of fiscal resources for vital initiatives, and enable the government to adeptly respond to emerging challenges.”

 

Ang 2025 National Expenditure Program, tinurn over ng DBM sa Kongreso noong July 2024 ang magsilbi bilang basehan para sa GAB. (Daris Jose)