Pangamba ng publiko, pinawi ni PBBM
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
PINAWI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangamba ng publiko hinggil sa monkeypox virus matapos mapaulat noong nakaraang linggo na may naitala ng kaso sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang Q And A matapos magtalumpati sa Pinas Lakas event” sa Pasig Sports Complex para tingnan kung maganda at mahusay ang isinasagawang booster rollout sa nasabing lungsod, sinabi nito na bagama’t kinalungkot niya ang bagay na ito ay sinisiguro naman niya na na ang monkey pox ay hindi COVID 19.
Sa katunayan aniya ay magaling na at nakauwi na ang pasyente na sinasabing may monkeypox.
“So, we dont have anymore cases of monkeypox. Even then I want to be very clear to everyone this is not covid. hindi kagaya ng covid ito. Hindi nakakatakot kagaya ng covid yung monkeypox parang small pox. marami namang gamot kaya pwede naman nating gamutin,” dagdag na pahayag nito.
Subalit, kahit hindi aniya nakakatakot ang monkey pox ay kailangan pa rin na panatilihin na malinis ang mga kamay.
“Yung mga bagay bagay na ganyan. Sa ngayon, yung monkeypox ay talagang nakabantay tayo dahil eh nasanay na tayo dito sa covid. nakabantay tayo ng husto pero siguro masasabi natin sa ngayon na wala tayong kaso dito sa Pilipinas sa ngayon,” ayon sa Pangulo.
Samantala, suportado naman ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na hindi lang ang mga bata ang dapat na magpa-booster shot kundi lahat ng mga mamamayang Filipino upang matiyak na ligtas sa Covid 19 o omicron at variants nito.
Ito’y bunsod na rin ng mataas na positivity rate sa VISMIN areas:
“Well, that’s exactly this… what we have here now this booster rollout out is really because… it was born of the discussions that I had with the Dept of Health… to find out what really was the sitution,” ayon kay Pangulong Marcos.
” But, we have to remember that the situation now in August 2022 is very very different from it was maybe in July, June of last year. We have now the vaccines and many many people have been vaccinated already. of course, we still have … the subject of the booster rollout actually came about because we were talking about the F2F classes at this coming semester. So sabi namin paghandaan na natin lahat,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)