Panay ang pagla-like sa pino-post ng boyfriend: KIM, very supportive sa mga projects ni XIAN
- Published on March 15, 2023
- by @peoplesbalita
NGAYONG napapanood na ang “Hearts On Ice” ng GMA Network at first team-up nina Ashley Ortega at Xian Lim, labis ang pasasalamat ng mga fans ng aktor sa girlfriend ng kanilang idolo, si Kim Chiu.
“Thank you Kim for liking Xian’s post… you’re truly a very supportive girlfriend to Xi… We love you both.”
Bukod kay Xian na ipinaabot ng mga fans ang congratulations nila, binati rin nila ang buong cast ng “Hearts On Ice” at nangako rin sila na patuloy na susuportahan ang serye hanggang sa pagtatapos nito.
Ang “Hearts On Ice” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Mga Lihim ni Urduja”.
***
KINILIG pala ang mga anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher, nang malaman na after almost 20 years ay muling magkakasama ang parents nila sa isang serye.
Kasama kasi sila “The Write One” na first ever team-up ng real sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.
Inamin ni Monching na kinabahan siya nang ialok sa kanya ang role.
“Pero masaya ako na muli kong makakatrabaho si Lotlot, Maganda ang project, siyempre noong una kaming mag-taping ninenerbyos ako.
“Matagal kasi kaming hindi nagkatrabaho, medyo hindi na sanay, Alam naman nating mahusay na aktres si Lotlot, noon pa.”
Natawa naman si Lotlot, at biro niya kay Monching, “siya ang ninerbyos, pero wala naman kaming problema, at blessing talaga na magkasama kami ngayon sa trabaho. At siyempre, masaya kami dahil masaya rin ang mga anak namin, nang malaman nilang magsasama kami sa serye.”
Hindi nga lamang mga anak nila ang happy, ganoon din ang mga fans nila na natuwa nang malamang muli silang magtatambal sa serye.
Ang “The Write One” ay isang collaboration between GMA Network and the video streaming service na VIU Philippines.
***
ISA pang love team na kasama sa “The Write One” ay sina Mikee Quintos at Paul Salas.
Ilang serye at shows na rin sila nagkasama, pero ngayon pa lamang sila mapapanood na loveteam in real life. Almost two years na rin naman ang relasyon nila, pero lately na lamang sila naging open na ipaalam ito sa kanilang mga fans.
Inamin nilang may mga times din na magkasama sila sa isang show ay nagkakaroon sila ng small arguments, like kung minsan ay hindi gusto ni Paul ang mga isinusuot ni Mikee. Very protective lamang daw ang young actor sa girlfriend.
Pero ayon kay Mikee ang mga small arguments nila ni Paul ang nakakatulong para mas maging maayos ang kanilang relasyon, iyong nalalaman nila ang ayaw ng isa’t isa at nagkakaintindihan sila.
(NORA V. CALDERON)