PANAWAGAN NA ITAGUYOD ANG TOBACCO HARM REDUCTION
- Published on October 18, 2025
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang mga health experts at consumer advocates sa pamahalaan na itaguyod ang tobacco harm reduction (THR) bilang pangunahing prinsipyo sa pampublikong kalusugan.
Sa Harm Reduction and Nicotine Summit, binigyang-diin nila na ang pagbalewala sa makabagong agham ay naglilimita sa mga naninigarilyo na makagamit ng mga mas ligtas na alternatibo tulad ng e-cigarettes, nicotine pouches, at heated tobacco products.
Ayon sa mga pag-aaral sa Public Health England: e-cigarettes ay 95% na mas ligtas kaysa sigarilyo habang sa Japan ay mas mababa ang exposure sa mapanganib na kemikal sa mga lumipat sa heated tobacco at sa Pilipinas, kung kalahati ng mga naninigarilyo ay lilipat sa mga produktong hindi sinusunog, maaaring makatipid ng USD 3.4 bilyon kada taon sa gastusin sa kalusugan.
Bagaman may Vape Law na itinuturing na progresibo, sinabi ng mga eksperto na kailangan pang palawakin ang access at edukasyon tungkol sa mga alternatibong produkto.
Ipinunto rin nila na ang demonisasyon ng nikotina ay mapanganib at di naaayon sa agham.
Itinampok din ang modelo ng Sweden, na naging “smoke-free” sa pamamagitan ng paggamit ng mga alternatibong produkto.
Gayunpaman, binanggit ang mga hamon na tumaas ang adult smoking rate sa 23.2% (2023) mula 18.5% (2021) nalugi ang gobyerno ng ₱40 bilyon dahil sa ilegal na bentahan ng sigarilyo at vape at komplikadong buwis ay nagtutulak sa smuggling at paggamit ng unregulated products.
Sa huli, nanawagan ang mga grupo sa gobyerno na magpatupad ng mga polisiya batay sa agham, repormahin ang pagbubuwis, labanan ang ilegal na kalakalan, at tulungan ang mga naninigarilyo na lumipat sa mas ligtas na alternatibo.
Ang summit ay inorganisa ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP) at mga katuwang na organisasyon upang talakayin kung paano maisasama ang harm reduction strategies sa national tobacco control efforts. (Gene Adsuara)