Pamilyang Pinoy na nagutom nabawasan noong Hunyo – SWS
- Published on August 18, 2025
- by @peoplesbalita
NAGKAROON nang pagbaba sa 16.1 percent o nasa 4.6 milyong pamilyang Pilipino ang dumanas ng involuntary hunger noong Hunyo, base sa second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang naturang percentage ay mas mababa sa 20% ng mga pamilyang nagugutom noong April 23-28 survey.
Sa June survey, ang hunger incidence ay pinakamataas sa Metro Manila at Visayas na kapwa 21.7%, sinundan ng Balance Luzon – 15.3% at Mindanao – 9.7%.
Ang pagbaba ng percentage ay naitala sa 16.6-point sa Mindanao na 26.3% noong April na naging 9.7% nitong Hunyo at bahagyang pagbaba sa Balance Luzon. Habang tumaas ng 2 points sa Visayas at 1.4 points sa MM.
Nasa 12.8% naman ang nakaranas ng “moderate hunger” o ilang beses lamang magutom sa nagdaang tatlong buwan at 3.3% “severe hunger” o laging gutom.
Sa Metro Manila tumaas ang moderate hunger – 16% mula 14.3% habang severe hunger ay bahagyang bumaba mula 6% ay naging 5.7%.
Sa Visayas, moderate hunger ay 17% mula 18.3% at severe hunger ay pumalo sa 4.7% mula 1.3%.
Sa Mindanao ay may pagbaba ang moderate hunger 7% mula 21.3% at severe hunger ay 2.7% mula 5%.
Ang face-to-face survey ay ginawa sa 1,200 adults nationwide sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.