• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19

NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.

 

Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.

 

Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine.

 

Siniguro ni Sec. Roque na kanilang ipapaaresto ang sinumang maniningil kapalit ng bakuna gayung ito’y mahigpit na ipinagbabawal.

 

Tiniyak ni Sec. Roque na babagsak ito sa kasong estafa na kanilang ipupursige laban sa kaninumang magbebenta ng mga paparating ng bakuna.

 

” Libre po ito, walang bayad. Kung mayroon pong maniningil, paalam ninyo po sa amin, paarestuhin po natin iyan for estafa,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)