• July 14, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palasyo: Walang term extension kay Marantan

HINDI na pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang serbisyo ni PNP Region 4 Director Police Brigadier Ge­neral Hansel Marantan. Ito ay sa kabila ng kahili­ngan ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (NAPOLCOM) na palawigin pa ng isang taon sa serbisyo si Marantan.

Sinabi ni Palace Press officer Atty. Claire Castro, na maaari namang magbigay ng serbisyo o tulong si Marantan sa ibang paraan.

“Wala pong extension para po kay General Marantan. At maaari po siyang makatulong sa ibang pa­raan pang pamamaraan,” sabi ni Castro.

Sa liham ni Remulla sa NAPOLCOM, sinabi nito na ang kanyang kahilingan para palawigin ang serbisyo ni Marantan ay para maipagpatuloy ang critical at ongoing high impact operations na ginagawa nito.

Si Marantan ay nakatakdang magretiro ngayong Hulyo 10, dahil sa mandatory age retirement age na 56. ( DARIS JOSE)