Pakikiramay bumuhos dahil sa pagpanaw ni MMA rising star Victoria Lee sa edad 18
- Published on January 14, 2023
- by @peoplesbalita
Bumuhos ng pakikiramay sa mundo ng Mixed Martial Arts (MMA) matapos ang paglabas ng balitang pagpanaw ng baguhang figther na si Victoria Lee sa edad 18.
Ang nasabing balita ay kinumpirma ng nakakatandang kapatid nito na si Angela sa pamamagitan ng kaniyang social media.
Pumanaw umano ito noon pang Disyembre 26 subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.
Isinilang at lumaki siya sa Hawaii kung saan mayroong tatlong panalo ito at wala pang talo na ang huli niyang laban ay kay Victoria Souza noong Setyembre 2021.
Isa sa mga nagpahayag ng kalungkutan ay si Asia-based ONE MMA Championship chief Chatri Sityodtong kung saan labis itong nalungkot sa pagpanaw ni Lee.
Sa social media din ay ipinaabot ni Indian-Canadian mixed martial arts star Gurdarshan Mangat ang labis na kalungkutan ng mabalitaan ang insidente. (CARD)