Pahulaan sa netizens kung sino ang pinatatamaan: GABBY, may reaksyon sa pagmamanipula sa anak na magalit sa ama
- Published on January 4, 2025
- by Peoples Balita
PAHULAAN sa mga netizen kung sino ang pinatatamaan ni Gabby Concepcion sa quote na kaniyang ibinahagi sa kaniyang latest Instagram post.Sa nasabing post ay walang dudang may pinatatamaan si Gabby, ito ay tungkol sa mga taong nagmamaniobra diumano ng anak para magalit sa ama nito, huh!
Banggit pa ng aktor na ang ganung klaseng gawain ay “one of the most evil things” na puwedeng gawin ng isang tao sa buhay niya.
“Manipulating a kid to make them hate their Dad is one of the most evil things a human can do,” post pa ni Gabby.
Siyempre dahil very obvious na may pinatatamaan kung kaya may mga nakisawsaw agad at ginawang isyu.
May kanya-kanyang reaksiyon ay komento agad ang mga netizens.
“So true. It takes a great mother, one who truly loves her child, to never bad-mouth her ex-husband so that the child’s love and respect for her father are not tarnished. Someday, Papi, in God’s perfect timing, she will come to love you as your dearest eldest daughter does. Have a blessed 2025! “
“That’s why I admire Mami Sha the most. She has become my inspiration when I too had a daughter with an absentee dad. It takes a strong woman to take all the hurts and responsibilities.”
“Yan ang napakagandang ginawa ni Sharon s buhay mo ang mahalin ka ng anak mo ….”
“Papi new year na new year Yan ah,”
“What if kung ayaw talaga maging close ng dad sa anak?”
Well, everybody knows naman Si Gabby ay dating mister ni Megastar Sharon Cuneta at ang anak nila ay si KC Concepcion.
Maliban sa semi retired actress na si KC, may anak din naman si Gabby sa iba pa niyang mga naging karelasyon gaya nina Maria Grace Amagna Ibuna, Jenny Syquia, at misis na si Genevieve Yatco Gonzales.
***
“BAGONG bihis po ang aming tahanan,” pagmamalaki pa ng premyadong host na si Boy Abunda sa televiewers na sumubaybay ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Kanina po ay binasbasan ang ating bagong set ni Fr. Vhen. Napakaganda po ng kanyang mensahe, he reminded us na ang ama ng Panginoong Hesus Kristo ay isang karpintero, who was proud of what he did.
“Sumasama raw ang batang Hesus habang gumagawa ang Kanyang ama. The message was love your job, and that’s exactly what we’re gonna do the whole year of 2025,” mahabang salasay pa ni Sir Boy
Ayon pa rin sa tinaguriang King of Talk ay hindi lamang daw ang set ang pinalitan dahil bago na rin ang dressing room ni Boy.
Dalawampung minuto lamang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes nang hapon ang “Fast Talk with Boy Abunda.”
At sa Enero 23, 2025 ay dalawang taon nang umeere ang programa ni Kuya Boy.
(JIMI C. ESCALA)