Pahayag ni Cong. Tiangco sa GAB transparency, pork barrel abuse
- Published on July 31, 2025
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ng pahayag si Navotas City Congressman Toby Tiangco na ang pag-apruba ng General Appropriations Bill (GAB) ay dapat sumunod sa pamamaraan ng lahat ng iba pang House Bill.
Aniya, nangangahulugan ito na bago ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa, at pagkatapos isaalang-alang ang mga pag-amyenda ng komite, ang bawat indibidwal na pag-amyenda ay dapat pagdebatehan sa bukas na sesyon.
“And the Speaker’s office must stop controlling AICS, AKAP, TUPAD, and MAIP. What’s happening now, Congressmen are forced to request allocations from the Office of the Speaker. Dapat ang ahensiya lang ng DSWD, DOLE, at DOH ang may kontrol dito. Kapag kailangan hingin sa Office of the Speaker, lumalabas itong Pork Barrel ng office nya dahil sa kapangyarihang mag-apruba, mag-disapprove, o magdesisyon kung magkano ang ibibigay,” ani Cong. Tiangco.
“When you have to beg from the Office of the Speaker, it blatantly becomes the Speaker’s Pork Barrel, given their power to approve, disapprove, or dictate the amount to be given. Ito ay katumbas ng post-appropriation control by legislators, na ipinagbawal ng Korte Suprema sa kaso ng Belgica vs. Executive Secretary (PDAF Case, G.R. Nos. 208566, 208493, 209251; decided November 19, 2013) na nagdeklarang unconstitutional ang PDAF,” dagdag niya.
“Pag pinagpatuloy ang ganitong kalakaran, para na rin nating hinayaan na patuloy na abusuhin ang kapangyarihan para sa pansariling interes, sa halip na para sa kapakanan ng taumbayan,” sabi pa ni Tiangco. (Richard Mesa)