Pahayag ng dating Speaker Romualdez… “Hindi ako magiging scapegoat o panakip butas sa flood control controversy. “
- Published on April 23, 2026
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na hindi siya papayag na magamit na scapegoat o panakip butas sa flood control controversy.
Ayon sa Leyte solon, bukas ang kanyang records sa publiko kasabay nang hamon sa imbestigador na gawin ang full chain of accountability.
“I will not be a scapegoat for actions I did not commit. The truth is not afraid of scrutiny—and neither am I,” ani Romualdez.
Binigyang otorisasyon ni Romualdez ang pagpapalabas sa publiko ng kanyang sworn affidavit at supporting documents, dahil karapatan ng mga Pilipino na makita ang katotohanan.
“I have nothing to hide. Let the Filipino people judge the truth based on evidence—not on speculation or politics,” pahayag pa nito.
Iginiit nito na nagbigay siya ng buong kooperasyon sa otoridad mula pa lamang sa simula kabilang na ang pagharap sa imbestigador at boluntaryong pagsusumite ng mga dokumento.
Itinanggi naman ni Romualdez ang alegasyon na siya ang pasimuno sa anumang corruption scheme, kasabay nang pahayag na walang katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanya.
“The national budget is not the work of one person. It is the product of a constitutional process involving the Executive, the House, and the Senate.”
Iginiit nito na ang Kamara ay isang collegial body, kung saan ang desisyon ay ginagawa ng sama-sama at hindi isang unilateral action.
“If irregularities occurred, accountability must follow the entire chain—not be selectively assigned,” pahayag nito.
Upang kontrahin ang alegasyon, sinabi ni Romualdez na handa siyang buksan ang lahat ng proyekto sa kanyang distrito para sa public verification.
Ang anumang alegasyon ng korupsyon ay dapat suportahan ng katunayan.
“If I were involved, it would reflect in the projects associated with me. I am ready for full scrutiny,” pahayag nito.
Hinikayat naman nito ang Office of the Ombudsman na manatiling objective at tanggihan ang anumang political pressure.
“Follow the evidence wherever it leads. Justice demands fairness, not convenience,” aniya.
Iginiit pa nito na handa siyang sagutin ang lahat ng alegasyon sa pamamagitan ng kaukulang legal process.
“I will face this head-on. I have nothing to fear from the truth,” pagtatapos ni Romualdez. (Vina de Guzman)