• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pahayag mula sa mga lisensyadong online gaming operator sa Pilipinas

IPINUPUNTO ng industriya ang mga aral mula sa mundo na nagpapatunay ng panganib ng ganap na pagbabawal. Sa 195 bansa sa buong mundo, 177 ang pumili na isailalim ang online gaming sa regulasyon. Ang natitirang 18 na bansa, kasama ang North Korea, Iran, at Somalia ay mayroong mga ganap na pagbabawal, at walang nagtagumpay sa pagpigil sa underground o ilegal na gaming. Noong 2006, nagkaroon ng pagbabawal sa Estados Unidos, at nahikayat lamang ang mga Amerikanong manlalaro na mga offshore sites na hindi sumailalim sa regulasyon. Noong 2013, trinabaho ng Estados Unidos na gawing legal ang online gaming upang makontrol muli ang industriya, at nakapagbigay ito ng US$ 71.9 bilyon na kita, at higit US$ 15 bilyon na buwis. Nakita rin ito ng mga bansang Sweden, Brazil, Colombia at Argentina: ang pagbabawal ay nagsisilbing mitsa ng mas malaking krimen; habang susi naman ang regulasyon sa pagkontrol at paggamit nito tungong pang-unlad.

Ang kaso ng Pilipinas

Pareho ang kuwento ng mga numero sa Pilipinas. Mula nang palawaking ang mga legal na online gaming platform at isailalim ang mga ito sa regulasyon noong 2022, umakyat mula P12.3 bilyon tungo sa P54 bilyon ang kinolektang license fees ng PAGCOR noong 2024. Ang pondong ito ay direktang napunta sa mga proyektong pambansa na pinakikinabangan ng bawat Pilipino. Umabot naman sa P112 bilyon ang kabuoang kita ng PAGCOR, at halos kalahati nito ay mula sa online gaming. Mahigit 50,000 na Pilipino ang nagtatrabaho na ngayon sa sektor, karamihan sa mga matataas at mahahalagang posisyon sa teknolohiya, cybersecurity, creative design, at artificial intelligence.

Babala ng mga lisensyadong operator, ang hindi-pinag-isipang pagbabawal, o ang pag-alis ng mga lehitimong payment channel ay sisira lamang sa mga tagumpay na ito, bubura sa libo-libong trabaho, at ibibigay ang buong merkado sa ilegal na mga site. Sa mga ilegal na espasyong ito, mawawala ang lahat ng proteksyon ng mga manlalaro: hindi masisigurong edad 21 pataas lamang ang makakapaglaro, walang seguridad sa data, walang suporta sa problematikong pagsusugal, at walang kontribusyon sa pambansang ekonomiya.

Panawagan sa balanse at matalinong regulasyon.

Sa halip na mga pagbabawal na magtutulak sa mga manlalaro na magtago, nanawagan ang industriya sa mga mambabatas na patatagin ang mga patakarang epektibo: maging mas mahigpit.