• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos

HINDI na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito.

 

 

Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Se­nate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa pananalapi ng bansa.

 

 

Binanggit din ni Marcos na kinikilala niya ang layunin ng panukala na palakasin ang lokal na ekonomiya pero mayroon itong probisyon na magdudulot ng “substantial fiscal risks” sa bansa at sasalungat sa mandato at awtoridad ng ibang ahensya.

 

 

“While the administration recognizes the objective of the proposed measure to acce­lerate economic growth in its locality, I cannot support the bill consi­dering the provisions that pose substantial fiscal risks to the country and its infringement on the conflict with other agencies’ mandates and authorities” ani Marcos.

 

 

Kabilang sa nakitang butas ni Marcos sa enrolled bill ay ang kawalan ng audit provisions para sa Commission on Audit. (Daris Jose)