PAGTAAS NG ALERT LEVEL, IDEDEPENDE SA METRICS
- Published on June 14, 2022
- by @peoplesbalita
NILINAW ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa IATF Guidelines.
Ang pahayag ng DOH ay matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media kaugnay sa pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na posibleng i-move ang NCR sa Alert Level 2 upang makontrol ang spike ng kaso ng. COVID-19.
Ayon pa sa DOH , patuloy na sinusubaybayan ng Kagawaran ang lahat ng sukatan na ito. Hangga’t ang mga admission at kalubhaan ng mga kaso sa mga ospital ay hindi nakakaapekto sa kanilang rate ng paggamit ng pangangalagang pangkalusugan, ang Alert Level 1 ay may bisa pa rin.
Ngunit, dapat ding alalahanin na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ay maaaring humantong sa pagtaas ng antas ng Alerto.
“Together, we can continue to stay at Alert Level 1 by continuing to wear the B-est fitted mask, I-solate when sick, D-ouble up protection through vaccination and boosters, and ensure good Airflow. All individuals who have yet to be vaccinated should do so as soon as possible, and once eligible – get boosted, as immunity wanes over time.” sabi pa ng DOH. (GENE ADSUARA)