Pagsuporta nina PDu30, Sara sa kani-kanilang “manok” sa 2022 elections, normal lang- Nograles
- Published on November 26, 2021
- by @peoplesbalita
NORMAL lang kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa kanyang anak na si Davao City Mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte na suportahan ang iba’t ibang kandidato sa May 2022 elections.
Tugon ito ni Cabinet Secretary ay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa naging panawagan ni Sara sa kanyang mga supporters sa Tagum City, Davao del Norte na protektahan ang kanyang running mate, presidential aspirant na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Si Sara ay tumatakbo bilang bise-presidente sa iallim ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Sa kabilang dako, tiniyak ni Nograles na walang iringan o away sa pagitan ng mag-amang Duterte kahit pa nabibilang sila sa magkaibang political parties.
“As with any different political parties, mayroong mga common candidates at mayroong mga candidates na sinusuportahan for other positions ang either party,” anito.
“So, political exercise like the elections ay normal po na magkaroon ng ganiyan, pagkakaiba ng sinusuportahang mga kandidato,” dagdag na pahayag ni Nograles.
Si Pangulong Duterte sa kabikang banda ay hayagng sinusuportahan ang presidential bid ng kanyang long-time aide na si Senator Christopher “Bong” Go, na tumatakbo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), allied party ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Para sa Pangulo, si Go ay “bright” person. (Daris Jose)