• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:25 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsibak sa puwesto kay Ignacio, babala ni PBBM sa mga opisyal ng gobyerno 

SINABI ng Malakanyang na isang paraan ng babala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng gobyerno ang ginawang pagsibak sa puwesto kay Arnell Ignacio bilang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Pumasok kasi si Ignacio sa maanomalyang transaksyon gaya ng pagbili ng lupain ng nagkakahalaga ng P14-bilyon na hindi aprubado ng board ng OWWA.
Pinasok ang kasunduan noong Setyembre 2024 subalit taong 2023 pa ay nabilil na ang lupa at lumabas lamang ang deed of sale, absolute sale noong 2024.
Pinalitan si Ignacio dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng opisina dahl sa nasabing transaksyon.
Si Atty. Patricia Cuanan ang pumalit kay Ignacio bilang bagong OWWA administrator.
Sa kabilang dako, bukod kay Ignacio ay sinibak din sa puwesto si OWWA deputy administrator Emma Sinclair dahil sa di umano’y maanomalyang land acquisition deal na pinasok ng una.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na sinibak sa puwesto si Sinclair dahil sa ‘loss of trust at confidence’ na may kaugnayan sa P1.4 billion land acquisition deal.
”Maliban po diyan, mayroon pa pong isa na makakasama, ang deputy [administrator] na si Emma Sinclair, pareho po silang tinanggal. Hindi po sila pinagresign,” ang sinabi ni Castro.
Kaya nga, dapat na magsilbi itong babala sa lahat ng public servants na hindi mangingimi ang Pangulo (Ferdinand Marcos Jr., na subakin sila sa puwesto kapag nabigong ganap na gampanan ang kanilang tungkulin sa publiko. ( Daris Jose)