• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsasaayos sa pasilidad ng Kamara, patuloy

PATULOY pa rin ang ginagawang pagsasaayos sa pasilidad ng Kamara bilang paghahanda sa papasok na 20th Congress at ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Bongbong Marcos.

Ang HRep Engineering and Physical Facilities Department (EPFD), sa pangunguna ni Deputy Secretary General (DSG) Engr. Renato Dela Torre, ang siyang nanguna sa ginagawang renobasyon at refurbishments.

“It is a very hectic schedule. But we can do it. We are still prioritizing all the preparations for the SONA,” ayon kay Dela Torre.

Kabilang sa mga pasilidad na sumailalim sa upgrade ay ang audio system sa plenary hall.

“Yan ang major upgrade natin this SONA. Kasi napansin natin mayroong mga dead spot na sa plenary hall area na hindi na audible (ang proceedings). Iyong configuration natin nung plenary before, parang rectangular lang siya sa gitna, nag-expand tayo sa first gallery so ‘yung may mga portion dun na hindi na tinatamaan ng sounds, so nag-a-upgrade tayo. Ngayon balanse na yung tunog kahit saan kang area sa plenary hall, malinaw na,” pahayag ni Dela Torre.

Nilinis din ang 6×12 meter Philippine flag sa likod ng rostrum ng speaker sa plenary hall at ikinabit ulit nitong Huwebes.

Maging ang landscaping sa may helipad area ay inayos na ginawa naman ng Metro Manila Development Authority.

(Vina de Guzman)