Pagpapaliban ng 2022 Barangay at SK elections, aprubado sa komite
- Published on August 27, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog, Jr. ang substitute bill na magliliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.
Ang substitute bill ay pinagsama-samang mahigit sa 30 panukalang batas.
Sinabi ni Dalog na kabilang dito ang napagkasunduan ng mga miyembro sa ginanap na August 16, 2022 meeting ang paglilipat ng synchronized Barangay at SK elections sa unang Lunes ng December 2023 na susundan kada tatlong taon.
Papayagan din ang incumbent officials na magkaroon ng holdover capacity hanggang sa mahalal ang kapalit o susunod nitong opisyal.
Ilan sa nais mangyari sa pagpapaliban ng halalanan ay upang mabigyan ng panahon ang mas nakararaming pinoy a makapag rehistro at mabigyan ng pagkakataon ang gobyerno na makapagpatupad ng corrective actions sa honoraria ng poll workers na ang allowance at pinapatawan ng buwis.
Inaprubahan din ng komite ang kaukulang committee report. (Ara Romero)