• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa mga LGU, pirmado na ni PBBM

TININTAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pondo para sa mga nasa Local Government Units na aabot sa 1. 19 trillion pesos.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na rekta ng papasok ang budget para sa mga LGU sa kani- kanilang authorized government service banks.
Ang maagang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa mga LGU sabi ay patunay aniya na ang 2026 budget ay nakatuon sa pagpapaunlad sa pamumuhay ng taumbayan.
Inuuna aniya nito ang mga pangunahing serbisyo at palalakasin ang mga lokal na pamahalaan.
Kaya nga ang panawagan ng Pangulo sa mga LGU ay gamitin ang budget para sa mga awtorisadong pakay at sumunod sa reporting requirements bilang bahagi ng transparency at accountability standards ng pamahalaan.
(Daris Jose)