Paglikha ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivor, iminumungkahi ni Sec. Roque sa IATF
- Published on April 29, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na imungkahi sa susunod na Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang pagkakaroon ng aftercare program para sa mga Covid-19 survivors na nakararanas pa rin ng depression makaraang gumaling sa mapanganib na sakit.
Aniya, wala pa siyang alam na may aftercare program ang gobyerno para sa mga biktimang gumaling mula sa virus.
Sa mga naging pahayag ng mga eksperto, maraming kaso na raw sa mga nakarekober ang nakaranas ng heart attack partikular na iyong mga may comorbidities.
Gaya niya na kabilang sa mga survivor at marami na ring nararanasang comorbidities ay kinakailangan ng mas regular na magpa-check-up sa kanyang cardiologist upang mamonitor ang kanyang kondisyon partikular na ang kanyang puso. (Daris Jose)