Pagkuha ng PWD ID, ‘wag samantalahin – DSWD
- Published on March 17, 2026
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga indibidwal na nagkukunwaring may kapansanan upang makuha ang mga pribilehiyo at benepisyo na nakalaan lamang para sa mga persons with disabilities (PWDs). Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, “unethical” ito at kawalang-galang sa mga PWDs at nakasasama sa pagsisikap ng bansa na makamit ang isang inclusive society.
Ginawa ni Dumlao ang pahayag bilang suporta sa panawagan ng National Council on Disability Affairs (NCDA) nang kondenahin ang viral TikTok post ng user na si @naughty.perry na may isang indibidwal ang nag kunwari ng may kapansanan para makagamit ng priority access sa LRT Line 1.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7277, ang mga PWDs ay may karapatang magkaroon ng barrier-free environment na nagbibigay sa kanila ng kakayahang makagalaw nang ligtas at malaya sa mga pampublikong lugar.
Inaatasan ng batas ang lahat ng public at private establishments na maglagay ng reasonable accommodations, kabilang na ang adjustments o modifications sa mga pasilidad, workplaces, services, schedules, assistive technologies, at mga polisiya.