
INAMIN ni Kapuso actor Alden Richards na medyo naging inactive siya sa social media nitong mga nakaraang linggo.
Ayon pa sa aktor ay kinailangan daw niyang magpahinga pansamantala dahil sa pagpanaw ng kanyang grandfather kamakailan lamang.
Pero ngayon daw ay okey na raw siya at nakatakda na siyang magbalik na ang aktor sa ‘All-Out Sundays’ simula ngayong Feb. 9.
Hindi naman itinanggi ni Alden na talagang nasa katawan na niya talaga at hinahanap-hanap na rin niya ang pagho-host para sa mga tagahanga niya.
Super aktibo naman si Alden sa mga kaliwa’t-kanang acting projects noong isang taon.
“Babalik tayo as like the way we used to do before, host and prods din as well. Nakaka-miss din, excited ako. See you mga Kapuso,” banggit pa niya.
Samantala, walang dudang si Alden pa rin ang Box Office King dahil kumita nang husto ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na ‘Hello, Love, Again’.
Pagdating naman sa telebisyon ay nagtapos na rin ang seryeng ‘Pulang Araw’.
Kung ano ang kasunod abangan na lang daw nating lahat.
***
MARAMI ang natutuwa dahil naka-move on na ang kasalukuyang bise gobernador ng Batangas na si Mark Leviste sa pagkaka-link kay Kris Aquino.
Sa ngayon kasi ay sa isang Sparkle artist na si Aira Lopez nali-link si VG Mark.
Nag-hard launch na ng kanilang relasyon ang dalawa matapos i-post ni Aira ang video nila sa TikTok kung saan napa-oo siya ng bise gobernador.
Sa caption niya ay sinabi niyang sineselebreyt nila ang espesyal na araw na una silang dinner together bilang magkarelasyon.
Makikita sa video na si VG Mark pa talaga ang nag-record sa kanyang sarili mula pagkatok nito sa pinto ni Aira na may dalang bulaklak.
May pa-bulaklak nga rin sa kanya si Aira. Ang cute na parang super teen ager pa ang dalawa.
Idinaan pa ni VG Mark sa dessert nila ang pagtanong nito ng “Will you be my girlfriend?” at napa-yes naman agad ang sparkle star, huh!
Sa mga nag-comment ay walang nag-nega sa relasyon nila ha at puro positibo ang komento sa pinost nitong video.
And so…
Nagpasalamat naman si Aira kay VG Mark sa pagpuno nito ng saya sa puso niya.
At sa kabila ng 20-year age gap nila ay meron itong bright outlook sa buhay, compassion at genuine commitment kung saan binigay nito sa kanya ang pagmamahal na hindi pa niya naranasan.
“Age doesn’t define us; happiness does, and I pray for God’s blessings as we journey forward together,” sey pa ng Sparkle star.
(JIMI C. ESCALA)