Pagkakaisa ng Transport Sector laban sa korapsyon
- Published on September 23, 2025
- by @peoplesbalita
ANG Transport Sector ay bihirang buo pagdating sa mga issues.
May kani-kanilang paninindigan ang mga lider ng iba’t ibang grupo. Pero kapag nagkaisa naman laban sa isang isyu ay malakas na pwersa sila na hindi dapat binabalewala.
Sa usapin ng korapsyon, nagkakaisa ang Transport Sector na humihingi ng katarungan at sumisigaw na dapat panagutin sa batas ang mga mandarambong ng kaban ng bayan.
Direktang apektado ng korapsyon ang mga taga Transport Sector.
Kapag baha, apektado ang hanapbuhay nila at perwisyo sa kanilang mga pasahero.
Ang tigil pasada at protesta na ginawa nila ng ilang transport group ay hindi dapat maliitin at di dapat sabihing walang epekto sa lansangan. Makitid na pananaw yun ng ilan.
Dapat tingnan ang mensaheng ipinarating ng mga taga Transport sa kanilang tigil pasada at kilos protesta — na labanan ang korapsyon at ipakulong ang mga sangkot dito.
Atty. Ariel Inton
Founder
Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09178174748