• September 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagiging isang ina ang paboritong role sa buhay: MAJA, sobrang enjoy kay MARIA na isang taon na

SA rami ng ginagampanang papel ni Maja Salvador bilang ina, asawa, artista, manager (Crown Artist Management, Inc), paano kaya niya pinagkakasya ang oras?
“Hindi ko rin po alam kung paano, pero isa lang ang masasabi ko, hindi ako puwedeng mag-reklamo kasi ginusto ko ito kaya kapag pagod na, bawal magreklamo, at sobrang grateful po ako at ang pagiging isang ina walang maaring pumalit doon kaya ito ang isa sa paborito kong ginagampanan ngayon,” sagot ng asawa ni Rambo Nunez.
Dagdag pa actress-host, “sobrang enjoy ako ngayon kay Maria kasi 1 year old na siya at marami na siyang ipinapakita kaya mas lalo ko siyang minamahal.”
Samantala, nakipag-meeting na raw kaagad si Maja sa TV5 nang mawala na ang konting taba-taba niya sa katawan bunga ng kanyang panganganak.
Inamin niya na sobrang na-miss ang mag-trabaho pero mas prayoridad niya ang pagiging ina sa anak niyang si Maria Reanna kaya dala-dala niya sa taping ng Emoji-nation Season 5.
“Alam nila (TV5 management) na kakapanganak ko lang po, alam nila na gusto ko pang alagaan ang anak ko at the same time na mapagbigyan nila ako na gusto ko ring magtrabaho.
“Ito kasing Emoji-nation ‘yung energy namin dito masaya lang sandali lang ‘yung working hours namin, nagte-taping kami ng 8 hours, so, mga 8 hours lang po ako nawawala kay Maria minsan dinadala ko siya since studio naman kami kaya na-consider ko na ito (Emoji-nation) na isa sa project na dapat kong gawin kapag gusto ko na agad bumalik,” kuwento ni Maja sa nakaraang mediacon para sa season 5 ng Emoji-nation handog ng APT Entertainment at Cignal.
Dagdag pa niya na marami ring projects na offer, may pelikula at teleserye.
Anyway, sa season 5 ng Emoji-nation ay mas maraming games na ipapakita pa at kaya nadagdag na rin sa co-host niya si Chad Kinis (season 1 grand winner) at kasama pa rin si Chamy Aguedan na nagsimula sa season 3.
Tungkol naman sa guestings ay gusto ni Maja na sana mga OFW’s at mga Guro ang makapaglaro sa Emoji-nation para kahit paano ay makatulong ang programa sa kanila.
Alam kasi ng aktres kung gaano kahirap ang trabaho nila sa ibang bansa at ang mga maestra naman ay hirap din sa pagtuturo.
Samantala, masaya ang TV5 President at CEO na si Mr. Guido R. Zaballero sa muling pagbabalik ni Maja sa kanila.
“Maja has always had a special place in the hearts of our Kapatid audience, and her energy lights up every show she’s in. Her return to Emojination has been eagerly awaited, and we’re all excited to see her bring even more fun and unforgettable moments to the TV screens.”
Mapapanood na ang Emoji-nation Season 5 sa May 17 (Sabado), 5:30 PM sa TV5 — at may same-day catch-up sa BuKo Channel ng 8:00 p.m.
(REGGEE BONOAN)