• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghingi ng political asylum ni Toque sa Netherlands, kinondena ng mambabatas

KINONDENA ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na gagawing paghingi ng asylum sa The Netherlands.
Naniniwala ang mambabatas na ito ay isang desperadong pagtatangka para maiwasan umano na mapanagutan ang alegasyon laban sa kanya ukol sa illegal POGO operations.
“Atty. Roque’s asylum bid is nothing but a mockery of justice and a slap in the face of the Filipino people. Halatang ginagamit niya ang prosesong ito para lang takasan ang kanyang pananagutan,” ani Brosas.
Hinikayat ni Brosas ang Department of Foreign Affairs at Department of Justice na makipag-coordinate sa international authorities upang masiguro na makaharap ni Roque ang House Quad Committee sa ginagawa nitong imbestigasyon sa umano’y koneksyon nito sa POGO connections at unexplained wealth.
“Roque has a lot of explaining to do—from his ties to Lucky South 99 to his sudden ‘jackpot’ in wealth. Ang sinumang sangkot sa mga ilegal na operasyon ng POGO ay dapat panagutin, lalo na’t alam natin ang mga kaso ng human trafficking, prostitusyon, at iba pang krimen na nangyayari sa mga POGO hub,” pagdidiin ni Brosas.
Nanawagan din ang kongresista sa pagsasagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa POGO at political backers nito.
“This case exposes the deep-rooted corruption enabling these illegal POGO operations. Hindi lang si Roque ang dapat imbestigahan kundi pati ang mga nasa likod ng operasyong ito at ang mga protektor nila sa gobyerno,” pagtatapos ng mambabatas.
 (Vina de guzman)