• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghihigpit sa galaw ng mga unvaccinated laban sa COVID-19, para sa kabutihan ng lahat- Nograles

PARA sa kabutihan ng lahat ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagbawalan ang mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa Covid-19 na gumala-gala at makikita sa mga pampublikong lugar.

 

 

Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung ano ang posisyon ng Malakanyang sa inihayag ng anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte, na ang mga unvaccinated individuals laban sa COVID-19 ay hindi dapat dini-discriminate.

 

 

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara na “they (unvaccinated) should not be discriminated against because they were given a choice.”

 

 

“We respect the opinion of Mayor Sara, but the President is trying to protect the unvaccinated because we see the data that when you are unvaccinated, there is a higher chance of you getting infected with severe or critical COVID-19,” ayon kay Nograles.

 

 

“The President is the father of the nation, so he is only trying to protect the unvaccinated. This is for the common good,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

 

Araw ng Martes nang sabihin ni Nograles na mayroong 28 milyong Filipino ang hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa COVID-19. May 52.8 milyong Filipino naman ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

 

 

Target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Filipino laban sa COVID-19 bago matapos ang buwan ng Marso at 90 milyong naman sa katapusan ng Hunyo 2022.

 

 

Nauna nang sinabi ng Pangulo na ipaaaresto niya ang mga unvaccinated individuals na makikitang pagala-gala sa labas ng kanilang bahay subalit nilinaw naman ni Interior Secretary Eduardo Año na ang pag-aresto ay “last resort” para sa mga uncooperative unvaccinated individuals sa labas ng kanilang bahay at sila’y e-eskortan (escort) lamang pauwi ng kanilang bahay “as a general rule. ” (Daris Jose)