• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:37 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paghigpit sa pagkuha ng gun license, nonstop crackdown sa loose firearms inirerekomenda ng mambabatas

NAIS ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mahigpit na screening ang gawin ng Philippine National Police sa mga aplikante ng gun license kasunod na rin sa naganap na pamamaril sa isang dating mayor at dalawa pang katao sa Ateneo de Manila University.

 

 

“We have to reinforce the vetting of individuals applying for licenses to own and possess guns, while cracking down on unregistered or loose firearms,” pahayag ni Rillo sa isang statement.

 

 

Giit pa ng mambabatas na iwasan sana ng Camp Crame na magbigay ng multiple gun licenses, lalo na sa mga first-time applicants, maliban lamang kung may nakaambang panganib sa kanilang buhay dala ng kanilang propesy

 

 

Ang suspek sa pamamaril noong Linggo na si Dr. Chao Tiao Yumol, 38 anyos, ay nahulihan ng dalawang baril: isang Ruger at isang Llama na may kasamang silencer, ayon sa Quezon City police.

 

 

Habang may lisensiya ang Ruger, hinahanap pa ng pulisya kung rehistrado ang ikalawang baril.

 

 

Binaril at napatay ni Yumol si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, kanyang aide na si Victor Capistrano, at ang Ateneo security guard na si Jeneven Bandiala, ayon pa sa pulisya.

 

 

Ang anak ni Furigay na si Hannah, na isang graduating Ateneo law student ay nasugatan din sa insidente.

 

 

“We are praying for the victims, and our hearts go out to their families at this difficult time. We also share the pain of the Ateneo community,” pahayag ni  Rillo.

 

 

Isa pa aniyang halimbawa kung bakit dapat maghigpit ay yaong lumabas sa viral video ng isang lalaki na ipinagyayabang ang kanyang baril at binabantaan ang mga dumadaang motorist matapos magkaroon ng alitan sa trapiko sa Meycauayan City.

 

 

Nabatid na ang lalaki ay may 10 rehistradong baril ngunit hindi naman nabigyan ng permit to carry para mailabas ang anumang armas sa labas ng tahanan.

 

 

Kinasuhan naman ng kasong criminal ng National Bureau Investigation nitong nakalipas na linggo laban sa nasabing lalaki.

 

 

Hiniling pa ng mambabatas na magsagawa ng “nonstop crackdown” sa mga unregistered firearms na nagagamit sa paggawa ng krimen.

 

 

Sa pagtataya ng London-based International Alert (IA), isang organization na ang adbokasiya ay resolbahin ang problema o isyyu ng walang halong bayolenteng aksyon, ang Pilipinas ay mayroong 3.9 million firearms, na mahigit sa kalahati o 2.1 million ay unlicensed o illegally owned. (Ara Romero)