• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Paghawak ni Marcos sa Department of Agriculture maituturing na ‘brilliant move’ – Piñol

UMANI nang papuri ang naging hakbang ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hawakan mismo ng personal ang Department of Agriculture (DA) sa kanyang pag-upo sa pwesto.

 

 

Kabilang sa humanga ay si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

 

 

Si Piñol na natalo sa nakalipas na halalan sa pagkasenador ay sinabi na maituturing itong “brilliant move.”

 

 

Ayon pa sa kanya, kung mangyari ito ay baka manginig sa takot ang mga cartel at smugglers.

 

 

Liban nito, maging ang hihinihinging budget sa kongreso ay wala na ring haharang pa na “tigasin” dahil presidente na ng Pilipinas ang haharap sa kanila.

 

 

Kung maalala, kamakailan ay inimbestigahan din ng Senado ang isyu sa smuggling sa agrikultura at ang kontrobersiyal na pag-aangkat ng mga produkto kasama na ang isda, bigas, asukal at iba pa mula sa ibang bansa.

 

 

Sinabi pa ni Piñol na dati ring Mindanao Development chief at humawak sa Department of Agriculture sa pagitan ng taong 2016 hanggang 2019, kung pangulo mismo ang hahawak sa naturang kagawaran ay matitiyak na ang sapat na pondo at tulong para umangat pa ang sektor ng agrikultura.