• April 21, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGGAMIT NG OXYGEN SA BAHAY, DOH NAGBABALA

NAGBABALA ang Department of Health o DOH sa publiko hinggil sa paggamit ng mga oxygen tank sa kani-kanilang bahay, sa gitna pa rin ng tumataas na mga kaso ng COVID-19.

 

Sinabi ni DOH Usec at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, mayroong tamang paggamit ng  oxygen level base sa kondisyon ng pasyente.

 

Paliwanag ni Vergeire, baka lalo pang makasama ang paggamit ng oxygen tank  kung wala namang sakit o pangangailangan o problema sa respiratory .

 

Aniya, para hindi magdulot ng masamang epekto sa paghinga at s akalusugan ay alamin muna  kung ano ang kanilang nararamdaman bago gumamit ng oxygen tank.

 

Dagdag ni Vergeire, baka makaapekto rin sa suplay at pangangailangan ng mga ospital kung ang mga household o mga bahay-bahay ay bibili o magkakaroon ng sariling mga oxygen tank.