Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko Jin-young ang 1-2 finish ng South Korea nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).
Iyon ang pinakamagarang nilaro ng 23-anyos na bagitong professional golfer ng Pilipinas sa 72-player field, four-day event makaraan ang 73-79-76 dito, na nagtampok sa 66-270 ni Jin-young para sa five-stroke win sa kalahing si Kim Sei-young (72) at kay Hannah Green ng Australia (67) na nagsosyo sa 275s.
Iniuwi ng 25-anyos, 5-6 ang taas at buhat sa Seoul na si Jin-young ang $1.1M (₱52.8M) champion purse habang may grasya naman sina Sei-young at Green na $209,555 (₱10M) bawat isa.
Ang torneo ang ika-18 yugto at nababa na rin sa telon ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 ng Estados Unidos. (REC)