• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubukas ng klase sa public schools, ‘generally peaceful’ – PNP

PANGKALAHATANG mapayapa ang unang araw ng pagbubukas ng klase Agosto 29 sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi ni Philippine National Police Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. na wala namang natanggap na anumang gulo o untoward incident ang PNP.
Nabatid na umaabot sa 32,706 pulis ang dineploy kahapon upang matiyak ang seguridad sa mga paaralan.
Naglatag din ng 6,159 Police Assistance Desks sa mga stratehikong lugar sa bansa na handang tumugon sa pangangailangan ng mga estudyante, magulang, at mga guro sakaling may emergency.
Nakaalerto sa ngayon ang hanay ng PNP para maiwasan ang mga krimen na maaring gawin ng mga mapagsamantala.
Kasunod nito, kanyang hinikayat ang lahat na makipag-ugnayan sa awtoridad at mag-report ng mga kahina-hinalang aktibidad.
Sa pamamagitan nito ay agad na makakaresponde ang PNP at matitiyak ang ligtas na pagbabalik-eskwela.
Mas paiigtingin pa ng PNP ang police visibility na isa sa epektibong paraan upang mailigtas ang mga estudyante at guro sa mga insidente ng snatching, hold up at kidnapping. (Daris Jose)