Pagbubukas ng Bagong Ospital ng Padre Garcia Batangas
- Published on January 7, 2026
- by @peoplesbalita
ISA sa ipinagmamalaki ng Bayan ng Padre Garcia Batangas ang 2 palapag na bagong gusaling ospital na may sukat na humigit kumulang 8,000 metro kwadrado na nagkakahalaga ng humigit kumulang Php500,000 milyon piso ang nagastos sa pagpapatayo nito sa tulong ng iba’t ibang mga Senador at Kongresista.
Ang nasabing pagbubukas ay ginanap noong ika 11 ng Disyembre, 2025 sa ganap na ika 9:00 ng umaga sa Barangay Castillo, Padre Garcia Batangas.
Ito ay sinimulan sa isang banal na misa na sinundan ng paglalahad ng korona o unveiling of wreath kasunod ng isang programa.
Ito ay pinangunahan ng Ina ng Bayan na si Mayor Celsa B. Rivera katuwang ang dating Alkalde ng na si Former Mayor Mike Rivera kasama ang kanyang anak na si Vice Mayor Micko Rivera.
Sa panayam ng mga mamamahayag kay Mayor Celsa Rivera, ay kanyang ibinida ang bagong sariling ospital, Ayon sa kanya ” ito ay isa sa pangarap na proyekto ng dating Punong Bayan, ang pagpapatayo ng sariling ospital na may kumpletong pasilidad at mga laboratory test tulad ng blood test, xray at ct scan para sa mga kababayan natin Garciano at makatulong sa ibang Bayan para sa serbisyong medikal”.
Naisakatuparan at naipatayo ang nasabing pampublikong ospital sa kanilang bayan sa ilalim ng pamumuno ng kanyang asawa at Ina ng Bayan sa kasalukuyan na si Mayor Celsa Rivera.
Labis ang pasasalamat ng Alkalde sa mga dumalo at nakilahok sa nasabing programa, tulad nina Former Congresswoman Lianda Bolilia, Congressman Caloy Bolilia ng ikaapat na Distrito ng Batangas, miyembro at kawani ng Pamahalaan ng Padre Garcia, mga Barangay at iba’t ibang mga grupo.
( Boy Morales Sr.)